PANOORIN: Mga inhinyero na idinaan sa bunutan ng ID ang ambagan, viral online

360
(Ichizaki Magalona Facebook)

Viral online ang kakaibang trip at naging katuwaan ng mga magkakaklase mula General Santos nang mistulang ipa-raffle nila ang kanilang Professional Regulation Commission (PRC) IDs sa isang waiter sa kinainang fastfood chain.

Sa Facebook post ni Ichizaki Magalona noong Disyembre 30, Lunes, mapapanood ang mga magkaklase na ngayo’y mga inhinyero na habang ipinamimigay sa waiter ang mga ids nila saka inilagay sa isang supot.

“SINO MAGBABAYAD? 🤣😂. Nagkita-kita kami ng mga kaklase ko nung College (now Civil Engineers 😎) at kumain sa isang restaurant. Pina raffle namin kay Kuya Waiter yung PRC IDs, kung sinong mabubunot, mas malaki ang ambag! 🤪🤣,” saad ni Magalona sa kanyang post.

INNITY ADS

Nagkasundo ang mga ito na kung sino ang swerteng mabubunot ang siyang may pinakamalaking babayaran.

Maya-maya ay makikitang tumalikod ang waiter sa isang sulok saka inanunsyo ang pangalan na kanyang nakuha.




Nang tanungin ito kung babae o lalaki, agad itong tumuran ng “lalaki!” kaya gayon na lang ang paglulundangan ng mga babae.

Ilang saglit pa ay binanggit na niya ang pangalan nang nabunot na walang iba kundi si Larry Jay Constantino.

Makikitang napakamot pa ng ulo si Larry habang hawak-hawak ang kanyang bag.

Nakatanggap naman ito ng libu-libong komento mula sa netizens na talaga namang natuwa sa kakaiba nilang trip.

Karamihan sa kanila ay nagkaroon ng ideya sa susunod kapag kakain din sila kasama ang kanilang mga kaibigan.

“Hahahahahaha Go tayo dian,” saad ng isang netizen.

Sabi naman ng isa pa na tila tinitingnan na ang hinaharap “Ganto kapag nakatapos tayo at nakapasa HAHAHAHAH.”

May isa namang tila nag-payo pa, “Hahaha! Kaloka! Dapat credit cards nalang para diretso swipe!”

Dahil sa nakakatuwang video, agad na pumalo sa 1.6M views, 56K likes at 28K shares online ang naturang post.