PANOORIN: Lola, sinorpresa ng mga apo ng payong na may lamang pera

1704
(Screenshot of the video from Vergara Sherelyn Atienza Facebook)

Trending sa Facebook ang video na ibinahagi ng isang netizen kung saan mapapanood ang kakaibang sorpresang inihanda nila para sa kanyang lola.

Nagdiriwang noon ng kaarawan si Lola Bhaby Mia Malabanan kaya napagpasyahan ni Vergara Sherelyn Atienza at iba pa niyang mga pinsan na maghandog ng isang regalo bilang pagpapakita ng pagmamahal ng mga ito sa kanilang lola.

Sa ibinahaging video ni Atienza, mapapanood na inawitan muna nila ng Happy birthday song si Lola Bhaby saka inilabas ang kanilang kakaibang regalo.

INNITY ADS

Aniya sa kanyang post, “BAKA ITO’Y NASABOG!!”😅🤪🤣 KAKAIBANG SURPRESA PARA KAY MAMA❤️. Successful Family surprise for our beloved Lola! We love you so much MAMA Bhaby Mila! #FAMILYisLove #PayongSurprise.”

Makikita pang naeexcite ngunit curious ang lola dahil sa sigawan at hiyawan ng kanyang mga apo habang binubuksan niya ang naturang regalo.




Maya-maya pa ay tumambad ang isang malaking payong na kulay asul at nang buksan niya ito ay lumabas ang tila umuulang pera na nakadikit dito.

Mayroong mga nakasabit na P20, P50, P100, P500, at P1000 kaya labis ang galak ng matanda.

Dahil sa natanggap na regalo ay nagpasalamat si Lola Bhaby sa kanyang mga apo.

Umani naman ng 10K likes at mahigit 3K shares ang naturang video online at tumanggap ng samu’t saring reaksyon.

Mayroong napa-sana all at karamihan ay binati ng Happy birthday ang naturang lola.