PANOORIN: Butiking nahulog sa swimming pool, nasagip sa pamamagitan ng CPR

891
Picture: Gordon Fire and Rescue NSW Facebook)

NEW SOUTH WALES, Australia – Masuwerteng nakaligtas at naibalik ang buhay ng isang butiking natagpuan ng mga bata na nalulunod sa isang swimming pool

Nakahingi ng saklolo ang mga ito sa isang off-duty na bumbero noon na agad na rumisponde at nagsawa ng CPR o cardio-pulmonary resuscitation para masagip ang kawawang butiki.

Sa ibinahaging video ng Fire and Rescue NSW Station 037 Gordon sa Facebook, mapapanood ang walang malay na butiki na nakatihaya at tila wala ng buhay.

INNITY ADS

Saad nila sa kanilang post, “On Saturday one our off-duty firefighters was asked to attend a neighbourhood pool where a drowning had occurred.”

Maya-maya pa ay sinimulan na ng bumberong pindutin ang dibdib ng naturang hayop gamit ang isang daliri na umabot umano sa 10 minuto bago ito magsimulang huminga.




Ilang sandali pa ay biglang gumalaw at tumayo ang butiki na pinangalanan nilang ‘Lucky’ na tila may lakas na muli para manghabol at maghanap ng insekto.

Pinaniniwalaang nahulog si Lucky sa aparatong panlinis ng pool at sinusubukang umakyat nang matagpuan ng mga bata.

Para sa istasyon, nagsisilbing paalala ang nangyari sa kung paano isasagawa ang CPR.

“It also serves as a timely reminder to know your CPR action plan in and around the water as we head towards the end of summer. Another great save by the Gordon crew,” dagdag nito.