PANOORIN: Batang tumangging mag-TikTok, sumayaw din nang marinig ang tugtog

2671
(Screenshot from Allyza Joyce Pakingan Facebook video)

Trending online ang video ng isang batang babae na hataw sa pagsayaw ng TikTok nang marinig ang tugtog kahit na sa simula’y tumatanggi ito.

Sa video na inupload ng netizen na si Allyza Joyce Pakingan noong Lunes, mapapanood ang bata na noong una ay nakasimangot at ayaw daw mag-TikTok kahit pilitin ng ilang beses.

Aniya, “Ayaw niya na daw mag tiktok 😂.”

INNITY ADS

Matutunghayan din na umiiling pa ito hanggang sa patugtugin ang naturang TikTok song.

Makailang saglit pa ay makikitang tumayo ang bata at agad na sumayaw.




Napatayo pa ito at saka nagpakita ng galing sa pagsayaw na tila kabisado pa ang buong sayaw.

Dahil dito, marami sa mga Facebook users ang natuwa at nagiliw sa paslit dahil sa goodvibes na hatid nito.

Marami rin ang nagbigay ng komento sa cute na baby girl.

Ayon sa karamihan, cute na cute daw ang bata sa kanyang pagpapakipot at pagsasayaw.

Samantala, nang mag-viral ang video, ngayon ay mayroon ng 64K likes, 1K comments at 51K shares ito sa FB.