PANOORIN: Anak ni Zubiri, umeksena sa gitna ng Senate hearing sa COVID-19

8092
Screenshot from Facebook video/Sen. Miguel Zubiri

Naghatid ng good vibes ang anak ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na biglang sumulpot habang nakasalang ang kanyang tatay sa Senate inquiry sa COVID-19.

Nasa kalagitnaan ang senador sa pagkilala sa trabaho ni Sen. Dick Gordon nang sumilip sa screen ang 5-taon-gulang na si Santi.

New Normal public hearings with surprise appearances hahaha 😂That’s my 5 year old son Santi by the way na ayaw magpagupit haha

Posted by Senator Migz Zubiri on Wednesday, May 20, 2020

Natawa na lang si Zubiri habang hinaharangan ang anak na bumalik din sa eksena ilang saglit lang.

Ibinahagi ng senador sa isang Facebook post ang nangyari, na may caption na, “New normal public hearings with surprise appearances.”

“That’s my 5-year-old son Santi by the way na ayaw magpagupit,” dagdag niya.




Nitong buwan, pinahintulutan ng Senado ang online attendance sa mga hearing at plenary sessions dahil sa COVID-19.

Isa rin si Zubiri sa mga senador na nagpositibo sa coronavirus at ngayon ay magaling na.