‘Palaban’ at ‘walang paligoy-ligoy’ na resignation letter, patok online

25804
From Facebook/Aian Tiong Arroz

Handa ka bang sabihin sa boss mo ang totoong dahilan bakit ka nagbitiw sa trabaho? Katulad ng isang netizen na aakalain mong ‘ibinuhos lahat ang nararamdam’ sa ginawang resignation letter.

Patok ngayon online ang ibinahaging sulat ni Aian Tiong Arroz kung saan makikitang ‘prangka’ at ‘palaban’ ang pamamaalam sa pinapasukang kompanya.

Sa kuwelang viral post, inihayag niyang nag-eenjoy siya habang nagtratrabaho pero “toxic na”.

resignationletter.docx1

Posted by Aian Tiong Arroz on Friday, November 29, 2019

Inireklamo din ng uploader na “walang overtime” at “walang bidet” ang kanilang mga palikuran. Pati ang mga katrabahong “mahilis sa issue at tsismis”, hindi pinaglagpas ng netizen.

Dagdag pasakit rin umano ang mga “tinderang masusungit” at “mahal na pagkain” sa naturang establisyimento.

Dahil maraming indibidwal ang tila naka-relate sa post, umabot na ito sa mahigit 21,000 likes at 17,000 shares.

Nagbiro naman ang ilang netizens na isa-save nila ang kakaibang resignation letter “for future reference”.