Nanay na kukuhanan sana ang wedding proposal ng anak, nauwi sa selfie

161
(Susan Griego)

ALBUQUERQUE, New Mexico – Hindi inaasahan ni Susan Griego na mauuwi sa selfie ang pagkuha niya sa wedding proposal para sa kanyang anak.

Nakaplano noon si Benjamin Steele Bacon na mag-propose sa kanyang nobyang si Amber Griego at sa tulong ng kanyang magiging biyenan, nais ng lalaki na makunan at masaksihan ang buong pangyayari.

Sa kagustuhang tumulong, inihanda na raw ni Susan ang kanyang sarili para kunan ang mga kaganapan ngunit nang magsimula nang lumuhod si Bacon para hingin ang matamis na oo ng nobya, hindi niya na raw makita kung nasaan ang camera.

INNITY ADS

Habang isinasagawa ni Bacon ang proposal, ang nakuha ni Susan ay ang sarili habang nakangiti na tila tuwang-tuwa sa nangyari, at hindi ang pagluhod ng lalaki habang binibigay nito ang singsing.

Ayon kay Bacon, wala na raw tatay ang nobya kaya siniguro niyang humingi ng basbas kay Susan bilang ina ng kanyang mapapangasawa.




“I knew when I proposed I wanted Susan to be a part of it,” aniya.

Nang makita naman ni Susan ang kanyang selfie, magkahalong emosyon ang kanyang naramdaman.

“It was still a very memorable moment even though I blew it. As for me, I am not sure whether I should feel embarrassed or delighted by the outcome,” kwento niya.

Samantala, para naman kay Amber, ang naturang pangyayari ay itinuturing niyang pinakamasayang bagay sa kanyang buhay.

“I cried, but it was tears of joy.I had no clue this was coming and was definitely surprised. I think the selfie clip my mom got was hilarious. I will always have the memory,” kwento niya.