CHALLENGE ACCEPTED: Mister ni Miriam Quiambao, uminom ng breastmilk

3343
Photo: Miriam Quiambao Instagram

Usap-usapan ngayon ang viral video na ipinost ni dating beauty queen Miriam Quiambao sa kanyang instagram account.

Dito ay ibinahagi ni Miriam na ininom ng kanyang asawang si Ardy Roberto ang kanyang breastmilk para sa hamon ng anak nitong si Joshua.

Sa video, mapapanood ang mag-asawa habang hawak-hawak ni Miriam ang isang bote ng gatas samantalang mayroon namang hawak na isang baso na may yelo ang kanyang mister.

INNITY ADS

Sinabi ng beauty queen na ipa-pump and dump raw dapat niya ang breastmilk ngunit naisip niyang ipainom na lamang sa kanyang mister.

Makikita rin sa video na medyo nag-aalangan pa si Ardy noong una ngunit matapos ang ilang saglit ay ininom rin niya ito sabay sabing, “ice cold”.




Matapos niyang uminom ay sunod na tinikman ni Miriam ang gatas hanggang sa maubos ito ng dalawa.

Paliwanag ni Ardy, “I’m actually doing this because my son dared me to do this. He said he’d pay me P5,000 if I drank his mom’s express milk. So Joshua, you owe me P5,000.”

Marami naman ang nagbigay ng komento kabilang na si Ardy na nagsabing naramdaman niya raw uling maging bata na parang baby matapos nitong inumin ang breastmilk ng asawa.

Naturang nasa flight naman papuntang Bali, Indonesia ang dalawa nang isagawa nila ang video.