Komedyanteng si Dyosa Pockoh, nagpakalat ng good vibes sa mga kapwa Taal evacuees

167
Facebook page/Dyosa Pockoh

Tuloy pa rin sa pagpapasaya si Kapuso comedian Dyosa Pockoh kahit pa isa siya sa mga naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal noong Enero 12.

Mula Lemery, Batangas si Dyosa at kabilang ang kanyang pamilya sa mga lumikas patungong Nasugbu.

Ngunit sa kabila ng sitwasyon, nagawa pa ring magbigay kasiyahan ni Dyosa sa mga kababayang kasama sa evacuation center, pati na rin sa netizens.

INNITY ADS

Sa ilang post sa kanyang Facebook page, ibinida ni Dyosa ang iba’t-ibang pormahan suot ang mga natanggap na donasyong damit.

Sa isang post, nakabistida at high heels siyang pumila sa pagkuha ng relief goods– na hinilang niyang may laman sanang mga make-up.




Grace under pressure naman daw si Dyosa habang suot ang tila tutu dress.

Eleganteng black dress naman ang inirampa niya para raw sa pagkikita nila ng mayor ng Nasugbu.

Bukod sa mga OOTD (outfit of the day), marami pang biro si Dyosa tungkol sa kanyang buhay evacuee gaya na lamang ng pagpapatayo ng sari-sari store dahil sa mga natanggap na donasyon.

Nagpapasalamat naman ang komedyante sa lahat ng nagpaabot ng tulong sa mga biktima ng kalamidad tulad niya.