Indonesia, ipinapasok sa ‘haunted house’ ang mga lumalabag sa quarantine bilang parusa

3791
(Unsplash)

Dahil sa ilang mga pasaway sa gitna ng coronavirus quarantine, nakatagpo ng kakaibang paraan ang isang Indonesian politician para mabigyan ng parusa ang mga lumalabag sa gitna ng pandemic.

Sa ulat ng Agence France Presse (AFP), sinimulan ni Kusdinar Untung Yuni Sukowati, head ng Sragen Regency ang pagkakandado sa mga pasaway sa loob ng abandonadong bahay na pinaniniwalaan nilang pinamumugaran ng mga multo.

(ANWAR MUSTAFA/AFP/GETTY)

Ayon kay Sukowati, marami raw sa mga nagtutungo sa Indonesia ang lumalabag sa protocol na dalawang linggong quarantine matapos bumiyahe kaya nagpasya umano siyang ibaba ang plano sa lokal na pamahalaan.

INNITY ADS

Sabi niya noong Martes, “If there’s an empty and haunted house in the village, put people in there and lock them up.”

Pansamantala munang ginawang detainment center ang mga abandonadong bahay at gusaling pinaniniwalaan nilang “haunted” base na rin sa pamahiin ng mga nakatatanda.




Isa lamang si Heri Susanto sa nasampulan dahil sa hindi nito pagsunod sa panukala.

Aniya, mayroon daw siyang natutunan nang ikandado siya sa naturang haunted house kahit hindi pa umano siya nakakita ng multo rito.

Dagdag niya, “But whatever happens, happens. I know this is for everyone’s safety. Lesson learned.”

Kaugnay nito, pananakot din gamit ang mga “multo” sa mga kalsada ang ginawang isitilo ng Kepuh Village sa Java para makumbinse ang mga residente na manatili sa kanilang tahanan.

Ayon kay Priyadi, head ng naturang lugar, nagiging mahirap daw sa kanila na mapasunod ang mga tao dahil hanggang ngayon ay kulang umano ang kanilang kamalayan tungkol sa bantang hatid ng COVID-19.