‘I hope this is my last’: Lola, viral dahil sa kanyang kakaibang 94th birthday wish

840
(Screengrab from @paulinekayy TikTok video)

Viral online ang TikTok video ng isang babae tungkol sa kanyang lola na nagdiwang ng kanyang ika-94 kaarawan.

Imbes kasi na humiling ng mas mahaba pang buhay, hiniling nitong sana raw ay ito na ang huling birthday niya.

Sa video na ibinahagi ng TikTok user sa pangalang @paulinekayy, mapapanood ang nakaupo niyang lola habang kinakantahan ng “Happy Birthday”.

INNITY ADS

Aniya sa post, “Its my grandma’s 94th birthday ❤️”

@paulinekayyTHE ENDING .. I CANNOT😭

♬ original sound – paulinekayy




Matapos kantahan ay makikitang nagpasalamat pa ito sa lahat.

“Well, thank you very much,” saad niya.

“I hope this is my last,” dagdag nito sabay inom ng tubig.

Sabi ni Pauline, “THE ENDING .. I CANNOT😭.”

Agad na kumalat ang video online kung saan marami pa ang nag-share nito sa Twitter.

Samu’t saring komento rin ang natanggap ng video sa bawat post na ibinahagi ng ibang social media users.

Samantala, ang naturang video ay umabot na sa mahigit 13M views, 2.8M likes, at 26.6K comments sa TikTok.