HULICAM: Nakakatawang eksena sa water station, sapul sa CCTV

8051

Pinagpipiyestahan ngayon ang video na nakuhaan sa Apostol Water Refilling Station dahil sa nakakatawang pangyayari dito.

Mapapanood sa video ang lalaking nabiktima ng ‘transparent door’ ng water station.

Makikita ang lalaking nakaitim na pumasok at isinara naman ng lalaking nasa labas ang nakabukas na pinto.

INNITY ADS

Sunod nito ay mapapansing pabalik na ang lalaking nanggaling sa loob para lumabas at sa isang iglap ay nauntog ito sa pintuan ng water stationj.

Mapapanood rin ang pagtawa ng mga trabahador sa loob.




Laughtrip naman ang mga netizens na paulit-ulit pinanood ang video.

Mas naging katatawanan rin ang clip dahil nilagyan pa ito ng background music.