‘Highway Hugot’: Road signs na may ‘hugot’ sa Bohol, patok sa mga motorista

955
Photos: Facebook/Sigmund Alcover

Tila kahit anong sitwasyon at kahit saan ay hindi na mawawala sa mga Pinoy ang “Hugot!”

Mabenta ang roadside warnings na ipinakalat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – Bohol dahil sa mga “hugot” nito.

Ilan sa mga paalala na may halong pakilig sa mga motorista ay:

INNITY ADS

“Crush, ingat ha? Pakakasalan pa kita.”

Photos: Facebook/Sigmund Alcover

“Ingat palagi, kahit break na tayo.”




Photos: Facebook/Sigmund Alcover

At isang friendly reminder para sa lahat:
“With or without lovelife, take care always.”

Madadaanan ang mga nakakaaliw na road signs sa ginagawang highway sa boundary ng bayan ng Carmen at Dagohoy.

Tinawag naman ito ng DPWH na “Highway hugot.”