Good vibes: Netizens, pinagkatuwaan ang payo ni Duterte na ‘ikot-ikot muna sa bahay’

3226
PHOTOS: Facebook

Sadyang hindi pumapalya ang pagiging kuwela ng mga Pinoy, maging sa panahon ng krisis.

Kaugnay ng pagpapatupad ng community quarantine sa Metro Manila dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa, pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat na “mag ikot-ikot” muna sa kani-kanilang bahay.

“Puwede kayong magbakasyon diyan lang sa bahay. Ikot-ikot muna kayo sa bahay niyo baka may hindi pa kayo napupuntahan,” ani Duterte.

INNITY ADS

Sa kabila ng pagkabahala, nakaisip pa rin ng mga nakatutuwang tugon dito ang netizens.

Gaya na lamang ng Facebook user na si Joemari Signe Maglinte na pak na pak ang summer outfit at may maleta pang dala sa paglilibot niya sa loob ng bahay.




 

Hindi naman kinalimutan ng fur parent na si Shelo Anne ang kanyang baby na sinamahan niya munang mag-relax sa loob ng kulungan.

 

E’ baka nga naman kasi may hindi pa tayo napupuntahan sa loob ng bahay? Tulad na lang ni Johnloyd Salazar na mula sa ibabaw ng aparador ay nakarating sa loob ng luma nilang washing machine.

 

Pahuhuli ba naman ang mga #BackPacker? Todo effort sa filming at editing si Julius Nico Lacanlale sa kanyang “Tara na, bahay tayo” travel vlog.

 

At panghuli, tiyak hindi mo maiisip pasyalan ang mga tinambayan ni Nelpots Deperana, gaya ng ilalim ng bangko at mesa, pati na gate ng bahay.

Sa panahong may kinakalabang problema ang mundo, hindi masamang paminsan-minsan ay idaan sa katuwaan ang pangambang nangingibabaw.