Fox nahuling suspek sa pagkawala ng higit 100 sapatos, tsinelas sa Germany

174
Unsplash

Nabuking ang isang soro o fox na nasa likod ng pagkawala ng higit 100 sapatos sa Berlin, Germany.

Sa ulat ng Tagesspiegel, kamakailan lang ay napansin ng mga residente na nawawala ang iniiwan nilang mga sapin sa paa sa labas ng bahay.

Kabilang sa mga nawalan si Christian Meyer, na nagsabing may namataan siyang soro na may kagat na pares ng tsinelas.

INNITY ADS

Kinuhanan din ni Meyer ang hayop habang nasa akto ng pananangay.

Kalaunan nadiskubre ni Meyer ang koleksyon ng hayop na dose-dosenang iba’t-ibang kulay na tsinelas at sapatos.




Sa kasamaang-palad, hindi niya nakita rito ang hinahanap niyang sapatos.

Ibinahagi rin ng Tagesspiegel sa Twitter noong nakaraang Lunes ang mga ebidensyang kuha ni Meyer laban sa soro.