Dahil sa alagang pusa: Misis, nabuking ang tinatagong pera ni mister

1510
Facebook/Bow Kanuengnuch

Imbis na magalit dahil sa pagkakalat, pinasalamatan pa ng isang maybahay ang kanyang pusa matapos nitong aksidenteng madiskubre ang “tagong yaman” ng kanyang mister.

Ibinahagi ng Facebook user na si Bow Kaneungnuch mula sa Thailand, nakaraang linggo, ang larawan ng kanyang pusa na nakaupo malapit sa isang kahon sa sahig na may nagkalat na pera.

Nagkalat ang tinatayang higit sa Bt2,000 (P3,400) na itinago ng mister sa halip na ibigay aniya para pang gastos sa bahay, gaya ng nakaugalian.

INNITY ADS

“My cat jumped on to the top of a cabinet and knocked down a box my husband had hidden there,” saad ni Bow sa post.

“Tomorrow, I’ll give you a whole fried fish, my Khod,” aniya bilang gantimpala sa alaga.




Agad namang nag-viral ang post na ikinatuwa ng maraming netizen.

May mga nakapagsabing mag-aalaga na rin sila ng pusa, may ilang nagsabing “RIP” kay mister, at ang iba naman ay nag-alalang baka palayasin ng lalaki ang pusa.