‘Cry Me a Cockroach’, handog ng isang zoo para sa mga brokenhearted sa Valentine’s Day

197

SAN ANTONIO, Texas – Kung isa ka sa mga brokenhearted ngayong darating na Valentine’s Day, marahil para sa’yo ang handog na paligsahan ng San Antonio Zoo.

Alay ng zoo ang kanilang kauna-unahang event na pinamagatang “Cry Me A Cockroach” kung saan ang mga ipis o dagang mapipili ng mga kalahok ay ipapakain sa ibon, ahas o anumang uri ng reptile na matatagpuan sa lugar.

Ngunit may kakaibang twist ang naturang palaro. Pangangalanan ng mga kalahok ang ipis o ang dagang mabibili nila sa kanilang mga naging ‘ex’.

INNITY ADS

Sa ibinahaging post ng San Antonio Zoo sa kanilang Instagram, dito ipinaliwanag kung ano ang magiging daloy ng event.




“You can name a live cockroach, and we’ll serve it up as a snack to one of our animals. If your ex was a snake, you could even name a rat, and we’ll feed it to a reptile! 🐀🐍,” saad nila.

Nagkakahalaga ng $5 o (P253.55) ang isang ipis samantalang nasa $25 o (P1,267.73) naman ang halaga ng isang daga.

Kaugnay nito, ang lahat ng lalahok ay makakatanggap ng certificate na maaaring ibahagi sa kani-kanilang social media.

Binigyan ng hanggang Pebrero 13 ang mga nais sumali at ang mga hindi naman makakapunta sa naturang event ay maaaring lumahok sa kanilang Facebook live.