Bride, groom nagpalit ng papel sa kanilang wedding day

2065
(Image: Craig Terence Andrews)

Nagpalit ng papel ang bride at groom sa mismong araw ng kanilang kasal na ikinabigla ng kanilang mga bisita.

Si Ciara O’Donnell at ang fiance na si Bobby Cook ay nagpalabas ng isang nakakatawang pangyayari, dahil sa umano’y hindi kagustuhan ni Ciara na maglakad sa aisle.

“Ciara said she wouldn’t be walking down the aisle for me, so I walked down the aisle for her. So we decided to do everything backwards,” ani Bobby.

INNITY ADS

Pagdating sa damit, mistulang nagpalit rin ang dalawa dahil ang bride ay nakasuot ng trousers kasama ang kanyang bridesmaids samantalang naka-dress naman ang groom gayundin ang kanyang mga groomsmen.

 

(Image: Craig Terence Andrews)

Sabi ni Bobby, “We always joked Ciara wears the trousers in the relationship, so it made sense for her to wear them at the wedding.”




Bukod pa riyan, maging ang pagpapalit ng apelyido ay ginawa rin ng dalawa.

“I took her family name. It was so relaxed and everyone had a great laugh. There were a few gobsmacked faces,” saad ni Bobby.

Ayon kay Ciara, nabuo ang kanilang plano nang bisitahin nila ang kanilang venue.

Dito umano sinabi ng soon-to-be-bride na imbes na sya ang maglakad papuntang altar ay ang kasintahan nito ang gagawa.

Sa pamamagitan raw kasi nito ay maaaaring maging masaya ang simula ng kanilang pinakahihintay na araw.

Samantala, ibinahagi ni Bobby kung gaano kahirap para sa kanya at sa kanyang groomsmen ang magsuot ng dress.

Sabi niya, “Ciara and the girls had no problem buying their tuxes, but we had a lot of trouble.”

Kwento pa ng mag-asawa, sa kabila ng kaba na nararamdaman, palakpalakan ang bumungad sa kanila habang binubuksan ang pintuan para masaksihan ang paglalakad ni Bobby papuntang altar.

Dagdag pa niya, kahit ginawa raw nilang katatawanan ang wedding day, nananatili pa ring totoo ang kanilang kasal.

“It was a big thing for both of us, all the words in the service were so personal,” aniya.

Masaya namang maituturing ng dalawa ang pinakamagandang araw ng kanilang bagong buhay.