Boss, aksidenteng naging patatas sa videoconference ng kompanya

6144
Cropped from Rachel Clegg's photo on Twitter

Masuwerteng walang natanggal sa trabaho nang mauwi sa katatawanan ang videoconference ng isang kompanya matapos maging patatas ang kanilang amo.

Viral sa Twitter ang post ni Rachele Clegg, empleyado ng People for the American Way, tungkol sa hindi sinasadyang makeover ng boss nilang si Lizet Ocampo.

“My boss turned herself into a potato on our Microsoft teams meeting and can’t figure out how to turn the setting off,” kuwento niya noong Lunes.

INNITY ADS

Hindi raw maayos at maibalik ni boss sa normal ang video kaya ending, buong meeting silang nakikipag-usap sa patatas.

Nag-reply naman sa tweet si Ocampo na masaya raw na nakapagpatawa ng ibang tao sa panahon ng krisis bunsod ng novel coronavirus.




“I yam glad this is making folks laugh at this time. Please stay planted at home and safe! For more needed laughs, follow my favorite comedian @cristela9 Potate out,” mensahe ni Ocampo.

Pinuri naman ng ilang netizens ang team dahil nagawa raw nilang mairaos ang meeting sa ganoong sitwasyon.

Maging si Microsoft nga ay nakisali na at nagkomento pang, “TOO FUNNY.”

Dahil bumenta, mag-iisang milyon na ang likes ng naturang post na higit 215,000 beses nang nai-retweet.