Aso, success sa misyon na bilhan ng pagkain ang amo na naka-quarantine

3873
Facebook/Antonio Muñoz

Sinubukan ng isang lalaki sa Mexico na ipagkatiwala sa alaga niyang aso ang pagbili ng makakain, at hindi siya binigo nito.

Ibinahagi ni Antonio Muñoz sa Facebook, ang misyon na ibinigay niya sa alagang chihuahua: ang bumili ng Cheetos sa katapat nilang tindahan.

“Day three of quarantine. I wanted my ‘Cheetos,’” sabi niya sa post.

Día tres de la cuarentena Yo quería mis chetos 😂😂😂

Posted by Antonio Muñoz on Wednesday, March 18, 2020

 

Bago papuntahin sa tindahan, inipit niya sa collar ng aso ang papel na may nakasulat na: “Hello Mr. Shopkeeper. Please sell my dog some Cheetos, the orange kind, not the red ones, they’re too hot. She has $20 attached to her collar.”

At may pahabol pa na, “WARNING: She will bite if not treated right. Your front neighbour.”

Hindi naman malinaw ang ginawang diskarte ng amo para mapasunod ang alaga, ngunit sa mga litrato, makikita itong nakabalik sa bahay, kagat-kagat ang inaasam na merienda ni Muñoz.

Nag-viral ang naturang post na ngayon ay mayroon ng nasa 250K shares.

Samantala, noong nakaraang linggo nagsimulang ipagbawal sa Mexico ang malalaking pagtitipon, kasabay ng pagpapasara ng mga gym, sinehan, zoo, at iba pang establisyimento, matapos na lumagpas sa 300 ang kumpirmadong kaso rito, ayon sa Associated Press.