Angelika Dela Cruz, idinaan sa biro ang sumbong ng residente tungkol sa umano’y ‘tiktik’ sa kanilang lugar

3349
(Angelika Dela Cruz Instagram)

Dinaan na lang sa biro ng Longos, Malabon Barangay Captain Angelika Dela Cruz ang sumbong ng isang residente ng lugar tungkol sa umano’y aswang na kung tawagin ay “tiktik”.

Ipinagbigay-alam daw ng naturang residente kay Angelika ang namataang tiktik sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Sa Instagram post ay ibinahagi ng aktres ang natanggap niyang impormasyon tungkol sa pagkakagulo umano ng ilang magkakapitbahay sa lugar dahil dito.

INNITY ADS

Sabi sa sumbong, “Nagkagulo mga kapitbahay namin ngayon akala ko may gulo yun pala may tiktik sumilip sa bubong ng kapitbahay namin, mahaba dila nakita mismo ng kapitbahay namin may pakpak…”




Makikita rin sa naturang mensahe na sinabi pa nito ang lokasyon ng kanilang lugar sakaling gusto raw ng kapitana ng balita.

Ayon sa post ng aktres, “Pag Kapitana ka lahat ng uri ng tao makaka salamuha mo at lahat ng reklamo maririnig mo pero yung ganito matatawa ka nlng hehe ๐Ÿ™Š๐Ÿคช๐Ÿ˜‚”

Sagot niya sa nagpadala ng mensahe, “Kuya ghostbusters po ang kailangan sa ganyan… Goodmorning everyone๐Ÿ˜Š.”

Marami rin sa followers ni Angelika ang idinaan sa biro ang naturang post.

Ayon naman sa ilang, maganda raw na mayroong ibang mapag-uusapan ngayong panahon ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic.