Anak, idinikit sa kisame ang mga gamit ng kanyang tatay

415
(Picture: SeamanTheSailor)

Kinatuwaan online ang isang lalaking pina-prank ang kanyang tatay sa pamamagitan ng pagdidikit ng mga gamit nito sa kisame ng kanilang bahay.

Nagsimula umanong idikit ng bata ang salamin ng kanyang tatay.

Ikalawang araw, idinikit niya naman ang phone case nito saka sinundan ng sapatos.

INNITY ADS

Nang ikaapat na araw, remote control naman ang idinikit nito sa kanilang kisame at dito na umano nagtaka ang tatay at nakaramdam ng kakaiba.

“I stuck my dad’s glasses to the ceiling. For every day he doesn’t notice I will add another of his possessions,” sabi sa ibinahaging post ng anak online.




Mistulang naloko ang kanyang tatay at sinabing, “Well boys it was a good run, but all things must come to an end.”

“Then we had a beer together and I showed him all the comments on my posts,” pagbabahagi ng anak.