ABS-CBN reporter, viral dahil sa suot na Spongebob polo habang nag-uulat sa Greenhills

401
(IMAGE ABS-CBN/H&M)

Nito lamang Lunes ay ikinagulat ng lahat ang nangyaring hostage-taking sa isang mall sa Greenhills, San Juan City, na naging kaabang-abang din maging sa social media.

Agad na nagpadala ang iba’t ibang istasyon para makapagsagawa ng coverage sa nangyaring insidente na umabot ng halos 10 oras.

Ngunit isang TV reporter mula ABS-CBN ang nakatawag ng pansin ng mga manonood habang nag-uulat ito sa live coverage ng naturang hostage-taking.

INNITY ADS

Sa kabila kasi ng makatindig-balahibong insidente, mapapanood ang TV Patrol reporter Jeck Batallones na nag-uulat suot ang kanyang Spongebob-patterned shirt.

Nag-viral si Batallones dahil isang netizen ang nagbahagi ng kanyang video sa social media.




Saad ng Twitter user @marcocharim, “One day, I will have the confidence to face the millions riveted to their televisions as the voice of reason amidst a terrible hostage crisis, be calm and collected and reasonable and factual: and do all this while wearing a cool-ass Spongebob Squarepants shirt.”

Marami ang nagpadala ng komento sa naturang post na nakatanggap pa ng samu’t saring reaksyon.

At dahil naging usap-usapan ang nakakatuwang pag-uulat, nadiskubre ng ilang netizen na ang damit ay mabibili sa H&M store.

Kasalukuyan namang may  mahigit 3K retweets at mahigit 30K likes na ang nasabing post sa Twitter.