TINGNAN: Mall sa Thailand, ginawang ‘foot pedals’ ang pindutan sa mga elevator

567
(Seacon Square Facebook)

BANGKOK, Thailand – Sa patuloy pa ring pagkalat ng COVID-19 pandemic sa buong mundo, kanya-kanyang istilo ng pag-iingat ang ginagawa ng bawat bansa para sa kaligtasan ng mga mamamayan.

Gaya na lang ng isang mall sa Thailand na ipinalit sa ‘foot pedals’ ang pindutan ng mga elavator.

Ayon sa report ng Reuters, ito raw ay para mabawasan ang pakikihalubilo, pagdikit at pakikipag-uganayan ng mga tao para na rin sa kaligtasan at upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng COVID-19.

INNITY ADS

Para umano mahikayat ang mga taong bumalik sa malls sa kabila ng bantang dala ng virus, nagpasya ang Seacon Square mall na lagyan ng foot pedals ang loob at labas ng mga elevator.

(Reuters)

Ito ay may layon din daw na maisagawa ang “zero contact” policy sa pagitan ng mga tao.




Saad ng isang customer, “They did a good job in preparing this. I feel much safer because we use our hands to do various things all the time. Now that we can use our foot to press the elevator, it’s really great.”

(YouTube)

Ayon naman kay Vice President Prote Sosothikul ng Seacon Development, nauwi sila sa ganitong ideya dahil mabilis daw kumalat ang virus sa pamamagitan ng paghipo o paghawak ng anumang bagay.

Aniya, “The easiest way to get infected is when you touch an object that has been contaminated. Eventually touch your face and the virus will go into your mouth, your eyes, or whatever.”

Sa ngayon ay mayroon ng 3,037 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Thailand samantalang 56 na ang nasawi habang 2,910 naman ang nakarekober ayon sa tala ng Johns Hopkins University.