TINGNAN: Teletubbies-inspired protective suits ng mga frontliners sa Iloilo City, kinagiliwan online

398
(Adrian Pe Facebook)

Viral ngayon online ang isang ospital sa Iloilo City dahil sa makukulay na protective suits na suot ng mga frontliners na tumutulong sa pagsugpo ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kakaibang gimik na hatid ay goodvibes ang ilang medical staff sa The Medical City dahil sa kanilang mala-teletubbies na kasuotan.

Sa Facebook post, ibinahagi ng isang Iloilo-based designer na si Adrian Pe ang ilang larawan ng mga health workers suot ang iba’t ibang kulay na suits.

#teletubbies NURSES will soon invade different hospitals in the CITY OF LOVE, Iloilo City 💜💚💛❤️ "I work a lot in the…

Posted by Adrian Pe on Sunday, March 29, 2020

Saad niya sa caption, “#teletubbies NURSES will soon invade different hospitals in the CITY OF LOVE, Iloilo City 💜💚💛❤️.”

Dahil dito, pinasalamatan din ni Pe ang mga sponsors at tumulong para maisakatuparan ang makukulay na protective suits para sa mga frontliners.




Agad na nag-viral ang naturang post na umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens.

“That will shed a brighter light in the face of this devastating situation…keep on guys…We will rise above all these,” sabi ng isang netizen.

Saad naman ng isa pa, “Filipinos are indeed the most amazing people! No matter how difficult the situation we face … Still we face it with strong faith and a cheerful heart! God bless everyone . #onlyinthephilippines #togetherwecanfightcovid19.”

Sa ngayon ay mayroon ng 17K likes, 10K shares at mahigt 600 comments na ang post sa Facebook.