Tatay, nagbawas ng mahigit 127kg para umano hindi ma-bully sa eskwelahan ang anak

1055
(Picture: PA Real Life)

ROCHESTER, New York – Sa takot na ma-bully ang anak sa eskwelahan, isang tatay ang nagpasyang magbawas ng timbang na umabot sa mahigit 127kg sa kabuuan.

Bilang isang delivery driver, aminado si Carl Prodrick na ang araw-araw na pagkain ng tinapay at fast food ang naging rason sa pagkakaroon niya ng mahigit 200kg timbang.

Bukod sa inaalala niya ang pagtaas ng kanyang body mass index (BMI), mas ikinatatakot daw ni Carl ang posibilidad na tuksuhin ang anak lalo pa’t magsisimula na itong pumasok sa paraalan.

INNITY ADS

Taong 2012 nang magsimulang sumali sa Slimming World si Carl kung saan una na siyang nabawasan ng 63kg sa loob lamang ng 10 buwan.

Kalauna’y itinigil niya ang pagiging driver para maging body builder at limang beses sa isang Linggo siyang nag-eehersisyo sa gym na umaabot sa 3 hanggang 4 oras sa isang araw.




(Picture: PA Real Life)

Ayon kay Carl, malaking sanhi ang kanyang trabaho sa mabilis na pagtaas ng kanyang timbang dahil sa mga hindi maiwasang pagkain sa mga stop over.

“I was doing that job for three or four years, eating fast food, sandwiches, crisps and having fizzy drinks. Then, in the evenings, I’d be staying in hotels, having dinner on expenses and there would always be dessert,” aniya.

Sa ngayon ay sinasanay niya ang sariling hindi maengganyo sa mga nakakapagpatabang pagkain.

Nito lamang 2016 ay sumali naman siya sa marathon at muling tatakbo sa London Landmarks Half Marathon ngayon taon para makalikom ng pera para sa Cancer Research UK bilang pagbibigay-pugay sa pumanaw ng ina dahil sa kanser.

Samantala, ipinagmalaki ni Carl na ang lahat ng kanyang ginawa ay para sa kapakanan ng kanyang anak na si Ruby.

“You know what kids are like. They will look for any excuse, or find any weakness and use it to pick on someone,” saad niya.

Hindi niya raw bibigyan ang ibang bata na makakasalamuha ng anak ng dahilan para ibully nila ito.

“Ruby had never mentioned my weight to me, but I did not feel comfortable picking her up from school at the size I was – for her sake, rather than mine. I didn’t want to be “Fat Daddy” anymore,’ giit niya.

Sa kabuuan, nakapagbawas na si Carl ng mahigit 127kg sa loob ng ilang taon.