SUPERHUMAN: 101-anyos sa New York na nakaiwas umano sa Spanish flu noong 1918, nakarekober sa COVID-19

1427
(North Westchester Restorative Therapy & Nursing Center)

Itinuturing na “Superhuman DNA” ang 101-anyos ginang mula New York hindi lang dahil nakarekober ito sa coronavirus kundi dahil ilang beses na umano nitong napatumba ang samu’t saring naranasang sakit.

Sa report ng WPIX-TV, isa si Angelina Friedman sa masuswerteng nakaiwas sa isa ring pandemic noong 1918 na Spanish flu na kumitil ng 50 million katao at humawa ng nasa 500 million sa mundo.

(North Westchester Restorative Therapy & Nursing Center)

Ayon sa ulat, nagpositibo sa COVID-19 si Friedman noong nakaraang buwan at nakarekober nito lamang nakaraang linggo, na sumorpresa umano sa kanyang pamilya.

INNITY ADS

Saad ng anak na si Joanne Merola, “She is not human. She has superhuman DNA.”

Kwento nito, survivor ang ina dahil ilang beses na raw itong nakaligtas sa iba’t ibang uri ng karamdaman gaya ng pagkalaglag, internal bleeding, at kanser.




Pareho raw nagkaroon ng kanser ang mga magulang ngunit hindi nagtagumpay ang kanyang ama.

Noong Marso 21 nang maidala sa Northern Westchester Restorative Therapy and Nursing Center nang magpositibo ito sa COVID-19.

Matapos lamang ang isang linggo ay muling nakabalik sa nursing home ang ginang at nag-quarantine ng ilang araw.

At nito lamang Abril 20 ay nag-negatibo na ang ginang sa virus.

Malaki naman ang pasasalamat ng kanyang anak dahil sa katatagan nito.

Aniya, “If my mother could see this, I’d say, ‘Keep going, Ma, ‘You’re going to outlive us all.’”