Runner sa France, nag-marathon sa balkonahe ng kanilang bahay habang naka-lockdown

516
(Screengrab from France Bleu Occitanie Twitter video)

Dahil sa isinagawang 15-day nationwide lockdown sa France bilang paraan ng pagsugpo ng coronavirus (COVID-19), isang mananakbo ang hindi nagpatinag para maipagpatuloy ang nakagawiang pagtakbo bilang ehersisyo.

Si Elisha Nochomovitz, 32, isang French runner ay naisipang mag-marathon sa balkonahe ng kanilang bahay habang nakapahinga sa kanilang trabaho sa restawran.

Nitong Martes ay ibinahagi at ipinasilip ng France Bleu Occittanie ang kanyang pagtakbo sa social media.

Ayon sa post, “#Coronavirus:near Toulouse, he runs a marathon on his balcony.”

Mapapanood na ilang beses din siyang pabalik-balik sa maliit nilang balkonahe habang nakasuot ng kanyang running attire.

Umabot sa 6,000 ikot ang nagawa niya sa loob ng 6 na oras at 48 minuto sa kanyang 7 metrong balkonahe.

Nagkaroon ng mahigit 1K views ang naturang views sa Twitter.