Rufa Mae Quinto sa pananatili sa US: ‘First time kong maging housewife and a mom’

1744
(Rufa Mae Quinto Instagram)

Masayang ibinahagi ng Kapuso actress Rufa Mae Quinto ang pananatili nito sa United States kasama ang kanyang asawa’t anak.

Sa Instagram post ng aktres, mapapanood ang video habang nasa labas sila ng isang supermarket.

View this post on Instagram

Feb 7, 2020 when we went here to San Francisco to celebrate valentines and 3rd birthday of @alexandriamagallanes , dapat 2 weeks Lang kami dito, pero dahil sa Covid 19, lockdown and shelter in place, no flights and we got so scared to take a flight back to Manila since May baby nga ako , delikado kapag byahe ko sya,nasanay na din kami mag- ina dito sa America, first time ko maging housewife and a mom talaga, kasi I work in the Philippines! Anyways, found my friends here … @shellinatorsilog thanks for you and Mel! We can survive , we are in stage 2 or phase 2 and soon may 31, shelter in place will be over! Yehey! Madami din ako natutunan, how to be an American independent girl! Bawal sabaw, nganga , dapat alert and masipg sa Gawain bahay, Madaming emotions , (nosebleed) pero now I can see the sunshine and lightness of life! Ito nga ang isa sa ginagawa ko super essentials na, dati kasi I don’t go out , asawa ko Lang ang mag go grocery , Basta bukas na din mga playground and parks here kaya I’m so happy to share it to you guysh!

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto) on

INNITY ADS

Biro niya, “Sa kabila ng lahat, go go grocery na! iPhone 7 lang itong cel ko sa USA.”

Kwento ni Rufa, dalawang linggo lang sana silang mananatili doon para ipagdiwang ang Valentines Day at kaarawan ng kanyang anak na si Alexandria.




Ngunit naabutan umano sila ng lockdown kaya nagpasya itong manatili muna sa US lalo pa’t kasama nila ang kanyang paslit.

“First time ko maging housewife and a mom talaga, kasi I work in the Philippines!,” saad ni Rufa.

Natututunan na raw nila ang buhay sa Amerika at nakakilala na rin umano siya ng mga kaibigan.

“Madami din ako natutunan: how to be an American independent girl! Bawal sabaw, nganga, dapat alert and masipag sa gawain bahay. Madaming emotions, (nosebleed) pero now I can see the sunshine and lightness of life,” kwento niya.

“Ito nga ang isa sa ginagawa ko super essentials na, dati kasi I don’t go out. Asawa ko lang ang mag go-grocery. Basta bukas na din mga playground and parks here kaya I’m so happy to share it to you guysh,” dagdag niya.

Samantala, naitala na mayroon ng mahigit 1.2 million cases ng COVID-19 sa US at78, 652 deaths ayon sa World Health Organization (WHO) noong Martes.