PANOORIN: Davao City, may pa-TikTok contest sa mga residente habang naka-lockdown

864
(Screengrab from TikTok videos of Davao City Tourism Facebook)

Naglunsad ng TikTok contest ang Davao City habang naka-lockdown sa buong rehiyon para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa Facebook post ng Davao City Tourism Office noong Marso 16, sinimulan ang contest na pinamagatang “#DavaoLetsKulataCovid (Davao, Let’s Beat COVID-19) Stay at Home TikTok challenge”.

Posted by Davao City Tourism on Monday, March 16, 2020

Ang layunin ng palarong ito ay ang mahimok ang mga Dabawenyos na manatili sa bahay at hindi ang magpakalat-kalat sa lansangan.

Ayon sa CTO head Generose Tecson, ang naturang online campaign ay isinagawa kasunod ng tagubilin ni Mayor Sara Duterte-Carpio para magkaroon umano ng “online amusement” activity ang kanilang mga kababayan habang nakatengga sa loob ng bahay.

Bukas sa lahat ng residente ng Davao ang “Stay at Home TikTok challenge” kung saan makakatanggap ng P50 cellphone load ang tatanghaling daily winners.

Ilan sa mechanics ng laro ang: 15-30 seconds na TikTok video at dapat sundin ang ibibigay na theme kada araw, at kinakailangang sa loob ng bahay gagawin ang challenge na may hashtag na #DavaoLetsKulataCovid.

Pwede ring solo o grupo ang mga kalahok sa video ngunit kailangan pa rin daw masunod ang social distancing.

Para mas malaki ang chance of winning, kailangan lang ipadala ang TikTok videos kung saan nakalagay ang pangalan, edad, at address ng mga kalahok.

Marami na ang nagpadala ng mga TikTok videos sa kanilang page.

Posted by Davao City Tourism on Monday, March 16, 2020

Posted by Davao City Tourism on Monday, March 16, 2020

Posted by Davao City Tourism on Monday, March 16, 2020

Samantala, parte ang Davao City sa pagkakaroon ng region-wide lockdown para maiwasan na ang pagkalat ng virus.

Isa lang din kada pamilya ang maaaring lumabas ng bahay para bumili ng mga daily needs.

Sarado na rin ang mga malls maliban sa supermarkets, pharmacies, banks, medical laboratories, maging ang opisina ng doktor at dentista.