Nurse na tumutulong sa mga batang may cancer, nasurian na may malalang karamdaman

452
(Picture: KARE)

MINNEAPOLIS, US – Sa kabila nang pagtulong sa mga batang may malulubhang sakit, nasurian ng doktor ang isang 40-anyos na nurse na may cancer kung saan kumalat na umano ang tumor sa kanyang mga buto at buong katawan.

Nakaraang taon lamang nang madiskubre ni Erika Rucks na mayroon siyang stage 4 metastatic breast cancer na hindi na umano mahahanapan ng lunas.

Ngunit imbis na tumigil at magpahinga na lamang at magpagaling, hindi raw ito magiging hadlang para ipagpatuloy niya ang kanyang trabaho bilang isang nurse sa University of Minnesota Masonic Children’s Hospital.

INNITY ADS

Para kasi kay Erika, hindi man niya magamot ang sarili ay nakakatulong naman daw siyang magpagaling ng ibang may sakit.

“Even though I can’t necessarily cure my own cancer, I’m helping somebody else,” aniya.




Dagdag niya, sa kanyang pagtulong sa iba, para na rin niyang tinutulungan ang kanyang sarili na magpagaling.

Base sa obserbasyon ng mga doktor, maaaring nagsimula ang sakit ni Erika noong nasurian siyang mayroong Hogkin’s lymphoma noong 15-anyos pa lamang siya.

Sumailalim kasi siya noon sa serye ng chemotherapy at radiotheraphy para mapatay ang naturang sakit.

Ayon sa kanila, ang 12 radiation treatments ni Erika sa kanyang dibdib ang maaaring naging ugat ng cancer.

Kaugnay nito, nananatiling matatag at positibo si Erika na naniniwalang siya pa rin ang pinaka-maswerteng tao sa mundo.

“I try not to think about statistics. I’m going to live each day doing exactly what I love to do. We don’t talk about the what ifs? I want to focus on the nows,” saad niya.

Dahil sa determinasyon ni Erika, nagpasya ang kanyang pamilya at mga kaibigan na bigyan siya ng isang masayang bakasyon.