Magkasintahang Angel Locsin, Neil Arce negatibo sa COVID-19

1179
(Angel Locsin Instagram)

Negatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang magkasintahang Angel Locsin at Neil Arce.

Sa Instagram account ng aktres, ibinahagi nito sa kanyang story ang isang larawan kung saan makikita ang dalawang test kits.

Ani Angel, negatibo ang resulta ng kanilang COVID-19 test ng fiance.

INNITY ADS
(Screenshot from Angel Locsin Instagram Story)

Saad niya, “Covid-free” kasabay ng pasasalamat sa centum multivitamin, rhea generics ph, mosbeau official, arla ph at ginger tea.

Pahabol niya, “effective”.




Maalalang ang magkasintahan ay ilan lamang sa mga personalidad na aktibong tumutulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods sa mga kababayang apektado ng COVID-19 crisis.

At noon lang nakaraang taon ay kabilang si Angel sa listahan ng “Forbes Asia’s 2019 Heroes of Philanthropy: Catalysts for Change dahil sa serye ng donasyon nito sa gitna ng mga kalamidad at krisis sa bansa.