Magkasintahan, idinonate sa mga apektado ng COVID-19 pandemic ang ipon para sa kasal

630
(Unsplash)

Napagdesisyunan ng isang magkasintahan mula Baguio City na ipagliban ang kanilang kasal para i-donate ang naipong pera sa mga apektado ng COVID-19 crisis.

Ayon sa couple na sina Nanette Velasco at John Cleveland, sa Hunyo nakatakda sanang ganapin ang kanilang pag-iisang dibdib.

Ngunit dahil sa COVID-19 pandemic, plano daw nilang gawing ayuda ang mga naipong pera.

INNITY ADS

Nagpasya raw silang ipamili ang ipon para maipamahagi sa mga naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Kwento ng dalawa, naipamigay na nila sa mga frontliners ang mga naipamili.




Nakapamahagi na din umano sila ng mga gulay sa ilang mga residente sa iba’t ibang barangay sa Baguio City.