Heart Evangelista, naghatid ng ‘telemedicine service’ sa Sorsogon

128
Image: Instagram/@iamhearte

Naghandog si Heart Evangelista ng tinatawag na “Tele-Med” o “Tele-Doc” service na makatutulong sa pangkalusugan ng mga residente sa malalayong lugar sa Sorsogon City.

Sinubukan nitong Martes ang naturang serbisyo kung saan maaari nang kumonsulta sa doktor ang mga pasyente gamit lamang ang cellphone o internet, batay sa Instagram post ng aktres.

“It even has BP [blood pressure], ECG [electrocardiogram], temperature, and blood sugar tests that doctors can see in real-time,” dagdag niya.

INNITY ADS

Ang ECG na nabanggit ay paraan para matukoy ang problema sa puso sa pamamagitan ng pagsukat ng electrical activity o rate ng pagtibok.




Sa hiwalay na tweet naman, sinabi ni Evagelista na ang nasabing proyekto ay pinangunahan ng pamahalaan ng Sorsogan, na nasa ilalim ni Gov. Francis “Chiz” Escudero na kanyang asawa.

“This was actually a project initiated by the provincial government of Sorsogon under Gov. @SayChiz,” aniya.

Hangad niya raw na dumami pa ang lugar sa bansa na magkakaroon ng telemedicine services.