Guro, pansamantalang inalagaan ang kapatid ng estudyante habang nagpapagaling ang pamilya nito mula sa COVID-19

404
(John Moore/Getty Images)

Hindi nagdalawang isip ang isang guro mula Connecticut, United States na pansamantalang alagaan ang kapatid na sanggol ng 7-anyos niyang estudyante habang nagpapagaling ang pamilya nito sa COVID-19.

Sa ibinahaging Facebook post ni Joy Colon, kapwa guro ng isang bilingual elementary school teacher na si Luciana Lira, sinabi nitong nakatanggap ng tawag ang kaibigan mula sa nanay ng isa sa kanyang mga mag-aaral.

“The woman was clearly distressed and explained she was calling from the hospital. She told Luciana she was going into labor and had no one else she could call,” kwento nito

INNITY ADS

Nakiusap daw ang nanay na si Zully na kung maaari ay magpunta si Lira sa ospital kung saan ito kasalukuyang nakalagak matapos magpostibo sa COVID-19.

Humihingi ito ng tulong dahil ilang sandali na lang ay magsisilang na umano siya ng sanggol.




“I cannot imagine what Luciana must have been thinking at that moment. But then, what do heroes think about before they put themselves in harm’s way?,” saad ni Colon.

Dali-dali raw na nagtungong ospital si Lira matapos matawagan at makausap ang mister ni Zully.

Ayon dito, natatakot daw silang mahawa ang sanggol dahil maaari raw na positibo rin siya sa virus gayundin ang kanyang stepson.

Nakiusap itong iuwi muna ni Lira ang paslit hanggang hindi sila nagne-negatibo sa naturang sakit.

Makalipas ang isang linggo ay nanatiling nasa ICU ang ginang samantalang nagpositibo na ang mag-ama at na nasa ospital din noong mga panahong iyon.

Isinilang ang bata noong Abril 2 via cesarean section habang naka-ventilator si Zully.

Samantala, Abril 25 naman nang makalabas na ito ng ospital habang lagpas isang buwan nang nasa poder ni Lira ang sanggol at hinihintay na opisyal na magnegatibo ang resulta ng test ng mag-anak.

Labis naman ang galak ni Colon sa ginawa ng kaibigan sa kabila ng pagkabigla nito.

Sabi niya, “This is not what anyone imagined. Essential workers are out there working every day. We’re all at home, working and groping for an understanding of this new normal that caught all of us off guard.”

Dagdag niya, “..this unselfish act reminds us that our humanity makes us all essential…to each other. How will each of us respond when we are asked to simply show up and help.”