Derek Ramsay, namigay ng pagkain sa mga OFW na naka-quarantine

689
(Derek Ramsay Instagram)

Sa kagustuhang makatulong na maibsan ang lungkot at takot ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na umuwi sa bansa at nakasailalim sa 14-day quarantine, naghandog ang Kapuso actor na si Derek Ramsay ng pagkain para sa kanila.

Nitong Lunes, Mayo 4 ay nag-abot ng ayuda si Derek sa mga OFW sa na nasa World Trade Center sa Pasay City na isa sa mga pasilidad na kasalukuyang ginagamit bilang kanilang quarantine facilities.

Sa Instagram ay ibinahagi ng aktor ang ilang larawan ng pagtulong katuwang ang Dunkin Donut Philippines na pinasalamatan niya sa kanyang post.

INNITY ADS

Saad niya sa caption, “Thank you @dunkin_ph for making our OFW’s quarantined at the the World trade center happy.”




Nagpasalamat din ang aktor sa Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa patuloy na pangangalaga nila sa kaligtasan at kaayusan ng mga OFW.

“It’s very kind of the world trade center to open its facilities for our fellow kababayans. Thank you too sa AFP for taking good care of them,” aniya.

Maalalang dahil sa banta ng COVID-19 pandemic, ilang OFW ang pinabalik muna sa bansa kung saan sasailalim muna sila ng dalawang linggong quarantine bago nila tuluyang makasama ang kani-kanilang pamilya.

Una na ring nagbigay tulong ang aktor sa mga frontliners simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine.