Butihing mister, araw-araw nagsusulat ng mensahe para sa asawang may dementia

382
(Picture: WTNH)

Dahil sa kagustuhang mapanatili ang ala-ala ng asawang may dementia, isang lalaki mula Connecticut ang nagbibigay ng sulat dito tuwing umaga.

Nais ni John Sevanick na labanan ang sakit ng asawang si Mary at mapigilan ang unti-unting pagkalimot nito sa pamamagitan ng mga sulat-kamay na mensahe.

(Picture: WTNH)

Ibinahagi ni John sa WTNH ang isa sa mga sulat na masaya niyang ipinakita sa kasintahan.

INNITY ADS

“I offer the gift of me this day. For Mary, my pretty, my soul’s heart.”

 

Mahigit limang dekada nang kasal ang dalawa at noon lamang 2015 nang masuri ang naturang kondisyon ni Mary.




Sa halip na matakot ay nanatiling positibo ang dalawa at naging determinadong tingnan ang Alzheimer’s disease bilang bagong pakikipagsapalaran.

Ayon kay John, ang kalagayan ng asawa ang nagpaalala sa kanya kung gaano kaganda ang mga lumipas na taon para sa kanila.

“Mary and I, for decades, would ride bikes together, separate bikes, and I’d have Mary in front of me all the time, and I love just watching her ride; enjoying the experience,” kwento niya.

Sa ngayon ay nakikilahok daw si Mary sa mga medical researches para makakuha ng lunas na maaaring makatulong sa ibang makararanas ng kagaya niyang sitwasyon.

Ibinahagi naman ng dalawa ang isang quote mula kay Albert Einstein na nagsisilbi raw nilang inspirasyon.

“Life is like riding a bicycle. To keep your balance, you must keep moving,” saad ng dalawa.