Angelica Panganiban, naghandog ng pagkain para sa COVID-19 frontliners, biktima ng sunog

2533
(Angelica Panganiban Instagram)

Sa patuloy na enhanced community quarantine, naghandog ang Kapamilya actress Angelica Panganiban ng daan-daang balot ng pagkain sa mga frontliners ng ilang ospital sa Metro Manila.

Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account ang mga larawan habang kasama niya ang kanyang grupo sa pamimigay ng pagkain.

450 meals for today 🙌🏼 Lahat po para sa frontliners natin,” aniya.

INNITY ADS

View this post on Instagram

450 meals for today 🙌🏼 Lahat po para sa frontliners natin. Naipadala po namin sa Medical City and Cardinal ang lahat, sa tulong ulit ng AFP 🙂 nakagawa kami ng sarsiadong pampano at blue marlin, adobong pusit, baked salmon w/ salmon fritters, chicken bbq, boneless ribs, giniling w/eggs, chopseuy, salted egg shrimp, roast beef, longganisa hubad w/ eggs, crablets, adobo w/ pork cracklings. Salamat ulit @jared_stotomas at sa tipsy cooks natin para sa nakakagigil na pagkain. Special shout out to @teamangelsofficial11 sa donation. Sila po ang sumagot ng packaging for today. Malaking malaking bagay. Sa next wave po namin, nais po namin mag bigay tulong sa mga barangays na nahihirapan maka kuha ng supplies. Bukas po ang comments para makapag bigay kayo ng suggestions. At gagawin po ng grupo ang lahat ng makakaya. Salamat @tipsypig_ph para sa pagbukas muli ng pinto. At sa re packing team @pocholobarretto @msbarbieimperial @legslegaspi @smokey_manaloto @khangkers @pattyyap @ryanordonez ‘sa uulitin 🤍

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Naipadala na raw nila ang mga pagkain sa Medical City and Cardinal sa tulong umano ng AFP.




“..nakagawa kami ng sarsiadong pampano at blue marlin, adobong pusit, baked salmon w/ salmon fritters, chicken bbq, boneless ribs, giniling w/eggs, chopseuy, salted egg shrimp, roast beef, longganisa hubad w/ eggs, crablets, adobo w/ pork cracklings,” dagdag ng aktres.

Kasabay nito ay nagpasalamat si Angelica sa mga kaibigang tumulong sa donasyon ng pagkain.

Saad pa nito, plano nilang ibigay ang susunod na tulong sa mga barangay na nahihirapang makakuha ng suplay ng pagkain.

“Bukas po ang comments para makapag bigay kayo ng suggestions. At gagawin po ng grupo ang lahat ng makakaya,” sabi niya.

Kaugnay ito, una nang nakapaghatid ng nasa 300 balot ng pagkain noong Abril 9 ang aktres sa Diliman Doctors Hospital, Philippine, at sa AFP, kabilang na ang mga nasunugan sa Caloocan sa kaparehong araw.

View this post on Instagram

Kahapon po ay nakapag bigay kami ng 300 hundred ready to eat meals para sa ating mga frontliners at ibang lugar sa atin na nahihirapan pang makakuha ng kanilang supplies. Maraming salamat @tipsypig_ph (Timog branch) para sa pag bukas ng kusina, kay chef @jared_stotomas at sa mga kusinero natin na hindi nag dalawang isip tumulong. Sa napakasarap na mga inihanda ninyo. Sweet&sour shrimp, chopseuy, Pampano, baked salmon, pusit, fried chicken, blue marlin, calamares at burger. Salamat din sa lahat ng nakasama namin ni @pocholobarretto at sumama kayo mag repack ng pagkain. @msbarbieimperial @smokey_manaloto @legslegaspi @khangkers @rejiiie 😃 salamat din sa mga donations. Eco bags from @keshmeister at yung mga nag donate ng cash, barbie, @gumabaomarco @chiefilomeno @debsgarcia @legslegaspi Mark Soriquez, eric, johnny and nestor. Naipadala po namin ang mga pagkain sa Diliman Doctors Hospital c/o Doc Reg Santos, Philippine heart center c/o Dra. Longos, at sa AFP, kasama na din ang mga nasunugan sa Caloocan kahapon. Thank you @neil_arce & @ryanordonez sa pahintulot na buksan at gamitin ang branch natin. P.S sinamahan na namin ng konting sayaw ang pag handa ng pagkain. Sana umabot sa inyo ang mga indak namin. Mabuhay kayong lahat 💟

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Biro pa ng aktres, sinamahan pa raw nila ng kaunting sayaw ang paghahanda ng pagkain.

Samantala, isa lang si Angelica sa ilang personalidad sa nagbigay ng tulong sa mga frontliners na nagsasakripisyo sa gitna ng COVID-19 crisis.