18-anyos lalaking may taning na ang buhay, pinakasalan ng nobya sa kabila ng karamdaman

1170
(Picture: GoFundme)

Mula nang malamang ilang buwan na lang ang itatagal ng kanyang buhay, nagpasyang pakasalan ng 18-anyos na si Chase Smith mula Indiana, USA ang nobyang si Sadie Mills dahil sa sakit na “Erwings Sarcoma” o kanser sa buto.

Nitong Abril 29 ay nag-isang dibdib ang magkasintahan sa kabila ng kalagayan ni Smith.

Sa report ng IndyStar, mula nang maging magnobyo’t nobya ang dalawa, kasama na raw sa kanilang plano ang matagal na pagsasama.

Noong una, plano raw nilang magpakasal pag pareho nilang natapos ang kolehiyo lalo pa’t nahingi na umano nila ang basbas ng kanilang mga magulang.

(Picture: GoFundMe)

Ngunit nagbago raw ang lahat ng kanilang malaman na may ilang buwan na lang ang itatagal ni Smith.




“We haven’t been without each other more than maybe like, a day or two since our first date,” kwento ni Mills.

“He was so sweet. He’s very polite. He’s a good Christian boy. We just fell in love with each other’s personalities. Now, he is all that matters to me,” dagdag nito.

Samantala, nang ikasal ang dalawa ay laking tuwa ang naramdaman ni Smith.

Aniya, “The most important thing in my world at this point is spending time loving and laughing. Just living life to the fullest and loving every moment.”

Dagdag pa niya, ang pagpapakasal sa nobya ang maituturing niyang “pure joy” sa kabila ng karamdaman.