Lalaki sa US, nanalo ng $1-M ng 2 beses sa loob lang ng isang araw

1140
(Photo from Colorado Lottery)

COLORADO, USA – Maswerte pa sa maswerte ang isang lalaki dahil sa pagkapanalo nito hindi lang sa isang lotto, kundi dalawa sa loob lang ng isang araw.

Ayon sa report ng Colorado Lottery, maswerteng nagwagi noong Marso 25 ang kinilalang si Joe B ng makapuntos umano ito ng dalawang $1 million o P50,528,000 na nagkakahalaga ng kabuaang P101,056,000 million.

Sa ibinahaging larawan ng naturang lottery, makikita si Joe hawak ang dalawang malalaking tickets na may nakasulat na halaga ng premyo, kanyang pangalan at ang Powerball lottery.

INNITY ADS
(Photo from Colorado Lottery)

Nagtungo noong Lunes ang lalaki para kunin ang premyo sa drive-thru claims office sa Pueblo sa Colorado.

Samantala, nang tanungin si Joe kung saan ilalaan ang napanalunang halaga, isa lang ang sinabi nito.




“The Boss has plans for it,” na pinatutukuyan ang kanyang asawa.