
Humigit-kumulang P1 million ang nalikom ni Miss Universe 2018 Catriona Gray para itulong sa maraming pamilyang naapektuhan ng COVID-19 sa Smokey Mountain sa Manila.
Sa kanyang Instagram post ibinahagi ni Catriona ang kanyang pasasalamat sa lahat ng naging katuwang niya para makapaghandog ng pagkain sa 790 pamilya at marami pa.
Aniya, sa pakikipagtulungan ng Young Focus Philippines at ibang non-local government agencies ay nakapamahagi sila ng tulong sa mga naturang pamilya.
“Because of your generosity almost 2,000 Filipino families will not go hungry and be able to stay home to protect their families health as well as their own! 🙏🇵🇭,” dagdag niya.
Ngayong darating na Biyernes ay mayroon pang 1,000 pamilya ang plano nilang abutan ng tulong.
Nanawagan din si Catriona sa mga may kakayahang tumulong na makibahagi sa pag-abot sa mas marami pang pamilyang nangangailangan.
“One 15kg bag of rice costs only $11US or Php550. Any little bit of kindness is very much appreciated,” saad ng beauty queen.
Maaalalang dahil sa coronavirus lockdown ay marami sa mga kababayan ang nawalan ng pinagkakakitaan dahil na rin sa mahigpit na home quarantine, at suspension ng mga sasakyan.