Unang branch ng Filipino-owned french fries store sa Canada, bukas na sa publiko

459
Courtesy Calgary PCG

Matitikman na ng ating mga kababayan sa Canada ang tinaguriang “World’s Best Flavored Fries.”

Nitong Setyembre 28, binuksan na sa publiko ang kauna-unahang branch ng Pinoy-owned french fries store na Potato Corner sa West Edmonton Mall, sa bayan ng Alberta.

Isa sa mga dumalo sa ribbon-cutting ceremony ay si Consul General to Calgary Zaldy Patron.

INNITY ADS
Consul General to Calgary Zaldy Patron (pangatlo sa kaliwa), kasama ang ibang representante ng Potato Corner sa ribbon-cutting ceremony noong Setyembre 27. Courtesy of Calgary PCG.

Ayon sa opisyal, makakatulong ang bagong bukas na business sa mga residenteng naghahanap ng trabaho doon.

“The Philippine Consulate General warmly welcomes Potato Corner as the latest Philippine investor in the province of Alberta. This investment will not only help expand Philippine franchising business in Canada but will also create jobs for the Albertans,” pahayag ni Patron.




Inilagay ang unang kiosk ng Potato Corner sa SM Megamall noong Oktubre 1992.

Matatagpuan rin ang iba pang branch ng Potato Corner sa Estados Unidos, Hong Kong, Indonesia at Australia.