TINGNAN: Restawran sa Japan, gumamit ng stuffed toys para maipatupad ang social distancing

393
(Photos by: ChachaOrca)

Viral ngayon sa social media ang isang cafe sa Japan dahil sa kakaiba nitong istilo para mapanatili ang social distancing sa gitna ng pandemic.

Nang magbukas ang isang restawran sa Izu Shaboten Zoo sa Shizuoka Japan nitong Mayo 22, nagpasya ang may-ari nito na lagyan ng stuffed animal toys ang ilang upuan habang sinasalubong ang customers.

Ibinahagi sa Twitter ng vlogger na si Johnny Suputama ang mga larawan kung saan makikitang nakaupo ang mga stuffed toy na mistulang customers din.

INNITY ADS

Iba’t ibang klase ng hayop na laruan ang makikita gaya ng giraffe at tiger.

Aniya, “The cafe at Izu Shaboten Zoo in Shizuoka, Japan uses stuffed Capybaras to enforce social distancing.”




Samantala, naiulat na hindi ito ang kauna-unahang lugar na gumawa ng ganitong klase ng istilo para mahikayat ang customers na sumunod sa social distancing protocol sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Maalalang nagbukas din ang isang kainan sa Thailand na mayroon ding stuffed toy na nakaupo sa mga upuan.

Sa ngayon ay usap-usapan at kinagiliwan sa social media ang post dahil umano sa pagiging malikhain ng nakaisip nito.