TINGNAN: ‘Lechon negra’, patok ngayon sa GenSan

998
(Photo: Lemongrass Lechon House)

Bilang pambansang ulam sa bansa, lechon ang pangunahing handang magpapatakam sa mga Pinoy sa anumang uri ng selebrasyon.

Mapa-fiesta, kaarawan, kasalan at maging sa noche buena ay kaabang-abang parati ang malutong na kulay kayumangging balat nito at ang makatas nitong laman.

Pero paano kung hindi ang tipikal na lechon ang makita mo sa hapangkainan dahil imbis na kayumanggi ay itim ang balat nitong bubungad sa iyong harapan– kakainin mo pa ba?

Sa General Santos City ayselebra handog ng Lemongrass Lechon House ang bago at kakaibang itsura ng lechon dahil sa kakaibang kulay nito.

TInawag itong “lechon negra” dahil sa kulay itim nitong balat na ayon sa may-ari ay nagmula sa kakaiba nitong sangkap.




Mayroon daw itong tatlong magkakaibang lasa: regular, hot ang spicy , at sweet and spicy.

Sa una ay mistulang katatakutan ang kulay uling nitong itsura ngunit mayroon daw itong mabangong amoy na makakapagpatakam sa mga customers.

Handog din ng Lemongrass ang ilang packages para sa boodle fight na patok ngayon sa mga bahay habang sumasailalim pa rin ang lahat sa community quarantine.