Thai actor, viral matapos magtrabaho bilang GrabFood rider sa gitna ng COVID-19 crisis

1217
(Pheeras Khunlanunthwatn Instagram)

Sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic, hindi nakaligtas ang mga celebrities sa mga nawalan din ng hanapbuhay.

Kaya kanya-kanyang isitilo ang ilan sa kanila para kumita ng pera kahit nasa bahay lang gaya ng pagba-vlog at pagbibigay saya sa kanilang fans sa pamamagitan ng ina-upload na videos online.

Ngunit para sa isang Thai actor, nais niya umanong maging kaisa sa frontliners hindi lang para suportahan ang pamilya kundi para tulungan ang mga taong nangangailangan.

INNITY ADS

Nito lang ay nagviral sa social media si Pheeras Khunlanunthwatn, kilala sa screen name na ‘Amp’ matapos madiskubre ng netizens na kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang isang GrabFood rider.




Bagaman kilala, sikat at kumikita ng malaking halaga bilang aktor, hindi nagdalawang isip si Amp na kumita sa ibang paraan.

Agad itong nag-apply at mabilis na nakapasok sa naturang trabaho lalo pa’t matindi ang pangangailangan ngayon sa food delivery man dahil sa lockdown.

Sa kabila ng limitadong abilidad ng aktor, tinanggap niya umano ang lahat ng bookings kahit pa umuulan at nakakakuha rin siya ng tips mula sa costumers.

Marami rin ang nae-excite na magpa-deliver dahil isang sikat na aktor ang maghahatid sa kanila ng pagkain.

Sa ulat, kumikita si Amp ng 30,000 baht o P48,000 sa loob lang ng isang buwan.

Hindi raw ito kasinlaki ng kinikita niya sa showbiz, ngunit di hamak naman na mas malaki ito kumpara sa kinikita ng isang ordinaryong GrabFood rider.

Samantala, nagsimulang maging food delivery boy ang aktor matapos imungkahi ng kaibigang piloto ang naturang trabaho.

Aniya ay masaya raw siyang makilala ang kasamahang riders at iba’t ibang tao gaya ng kanyang customers.

Isa rin daw itong hindi malilimutang karanasan dahil natutunan niyang pahalagahan ang pera nang mapagtanto niyang mahirap pala talaga itong kitain bilang isang rider.