Pinoy turo-turo sa US, wagi ng prestihiyosong award

397
Oriental Mart. PHOTO: The Seattle Times

Pinarangalan ang sari-sari store at karenderyang pagmamay-ari ng isang pamilyang Pinoy sa Seattle, Washington, ng America’s Classics Award mula sa James Beard Foundation.

Kabilang ang Oriental Mart, na nakapuwesto sa Pike Place Market, sa anim na napiling gawaran ng James Beard Award na nagsimula noon pang 1998.

Ayon kay Steven Ducky, sikat na Seattle-based food blogger, ang naturang award ay halos katumbas na ng Oscars sa industriya ng pagkain.

INNITY ADS

Itinayo ang Oriental Mart bilang grocery store noong 1971 matapos lumipat sa bansa ang may-ari nitong si Mila Apostol at kanyang pamilya.




Noong 1987 naman ng buksan ni Leila Rosas, anak na babae ni Apostol, ang kainan sa tabi nito na kilala sa mga putaheng Pinoy tulad ng adobo, longganisa, sinigang na salmon, dinuguan at pansit.

Sa panayam ng The Seattle Times, sinabi ni Rosas na hindi niya inaasahang mabibigyang-parangal ang kanilang restawran na isa lamang “hole in the wall”.

Naitampok na rin ang kainan sa episode ng “No Passport Required”, ayon sa KOMO News.