PANOORIN: ‘Patience challenge’ ni Isabelle Daza sa anak na si Baby Baltie, kinagiliwan online

1394
(Screenshot from Isabelle Daza Instagram video)

Sinubukan ng aktres na si Isabelle Daza ang anak na si Baltie kung kakasa ito sa kanyang “patience challenge” – at ang resulta, kinagiliwan online.

Ibinahagi ni Isabelle sa kanyang Instagram ang video kung saan mapapanood ang anak habang isinasagawa niya ang eksperimento.

INNITY ADS

Bitbit ang isang plato ng mga tsokolate ay ipinakita ito ng aktres sa anak habang ipinaliliwanag niya ang kanyang kautusan.

“I’m gonna leave you this but…you’re not allowed to get anything. You have to wait for mama,” ani aktres.




Mapapanood na tila sumang-ayon naman si Baltie ng paulit-ulit.

Habang wala si Isabelle, makikitang pigil na pigil ang anak sa pagkuha sa isang mangkok na tsokolate.

Ngunit makalipas ang ilang segundo ay hindi na napigilan ni Baltie na kumuha ng ilang piraso saka ito isinubo.

Nahuli naman ang aktres ang ginawa ng anak kaya muli niyang pinagawa ang eksperimento, at mayroon ng kasamang bonus na lollipop.

Nang muling makaalis si Isabelle at makalipas ang ilang segundo ay muli niyang nahuli ang anak na kumuha ng tsokolate at tinawanan lamang siya nito sa huli.

Marami naman sa showbiz ang natuwa sa ginawa ni Baltie kabilang na sina Georgina Wilson, Alex Gonzaga at Erwan Heussaff.

Ang patience challenge ay isang eksperimento na ginagawa ng mga magulang para makita kung susunod ba ang kanilang mga anak o hindi sakaling may iwan silang masarap na pagkain sa harap ng mga ito.