Ashley Ortega, namigay ng cooked meals sa mga taong nasa lansangan sa gitna ng quarantine

401
(Ashley Ortega Instagram)

Isa na ang Kapuso actress na si Ashley Ortega sa mga celebrity na nagbigay ng tulong sa mga kababayang nangangailangan sa gitna ng coronavirus pandemic.

Nakapamigay si Ashley ng 300 meals sa mga taong lansangan gaya ng mga natutulog sa kalye at mga walang tirahan.

Sa isang online interview kay Ashley, ibinahagi nito na namigay umano sila ng kanyang ina’t kapatid ng mga cooked meals sa mga taong nakatira sa lansangan.

INNITY ADS

Kwento niya, kakatapos lang daw nilang mag-rosary noon nang may madaanan silang mga taong nasa kalsada.

Aniya, “…may mga nadaanan kaming mga homeless people na nakakaawa at nagugutom.”




“My mom and my sister are good cooks. So nag-decide kami na magbigay ng mga cooked meals sa mga homeless na nakikita namin,” dagdag ng aktres.

Ibinahagi rin niya na pinakamasayang parte umano ng kanilang ginawa ay sa tuwing nakikita nila ang bawat ngiti ng mga taong naaabutan nila ng pagkain.

“Alam mo ‘yung sa panahon kasi ‘di ba you don’t see people smile that much kasi siyempre naka-mask tayo,” saad ng aktres.

Hinangaan din ng aktres ang mga ito dahil sa kabila ng hirap na pinagdaraanan, masaya umano sila kapag nakatatanggap ng pagkain.

Samantala, isa lamang si Ashley sa mga aktres na nakapamahagi na ng tulong sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic.