Arny Ross, namigay ng libreng milk tea sa mga frontliners sa mga checkpoints sa Cavite

209
(Arny Ross Instagram)

Sa patuloy na enhanced community quarantine, bilang tulong ay namigay ng libreng milk tea ang Kapuso actress na si Arny Ross kasama ang fiance na si Franklin Banogon sa mga pulis na nakapwesto sa mga checkpoints sa Cavite.

Sa kanyang Instagram post ibinahagi ni Arny ang pamamahagi ng milk tea sa 100 pulis sa lungsod.

Aniya, “Milkteas for 100 policemen here in Cavite🙏🏻.”

INNITY ADS

Namigay sila sa mga checkpoints sa Dasmariñas, at Dasmariñas patungong Imus, patungong Silang, patungong GMA, at patungong Molino.




Ibinahagi rin ng dalawa sa kanilang YouTube channel kung paano nila ginawa at inihanda ang mga milk tea para ipamigay sa mga frontliners.

Samantala, ipinakita naman ni Franklin sa kanyang IG post ang kanilang larawan ni Arny kasama ang ilang cups ng milk tea.

Saad niya, “Tulungan tayo. Sa kahit anong paraan na makakakaya, na magpapa-gaan ng sitwasyon o magpapa-saya.”

Maliit na bagay lang umano ang pagbibigay ng milk tea ngunit ito ay kaparaanan daw nila para ihatid ang munting pasasalamat at pagsaludo sa mga frontliners na itinataya ang buhay sa gitna ng krisis.

“Our own little way of saying thank you and we appreciate you. Saludo,” giit niya.

Kilala ang dalawa na nagmamay-ari ng Bon Appetea na kasalukuyan ng mayroong tatlong branches.