World record: 10-anyos, nasagot ang 196 math problems sa loob ng 1 minuto

173
YouTube

Nakapagtala ng world record ang isang 10-taon-gulang na elementary student sa England matapos magpamalas ng pambihirang bilis sa Mathematics.

Ginamit ni Nadub Gill ang COVID-19 lockdown period para lalo pang patalasin ang galing niya sa math sa pamamagitan ng app na “Times Table Rock Stars”, ayon sa ulat ng UPI.

Nagawa niyang sagutan ang 196 na multiplication at division question sa loob lamang ng isang minuto — dahilan upang makamit niya ang titulong “Highest score achieved on Times Tables Rock Stars in one minute” ng Guinness World Records.

Sa bilis, naungusan ng bata ang nasa 700 pang estudyante na nagtangka ring masungkit ang nasabing record.

Nagawaran naman agad si Gill ng certificate bilang pagkilala sa naitala niyang highest score sa math solving application.